70 KILOS NA BABOY NAKUMPISKA NG ASF BANTAY KARNE TASK FORCE

 


Ni Jurry Lie Vicente

Kinumpiska ng ASF bantay karne task force ang dalawang kinatay na baboy na may bigat na 70 kilos sa bayan ng Kalibo.

Ito’y matapos na hindi dumaan sa slaughter house pero ito’y kinatay at lulutuin sanang lechon.

Maliban dito, nakumpiska rin ang 8.8 kg na karne sa Brgy. Linabuan Norte Kalibo matapos ito’y iligal na kinakatay at walang permit to operate.

Ang nakumpiskang mga karne ay sinunog bilang disposal.

Sa kabila nito, pinaalahanan ni Dr. Janna Rose Nepumuceno, spokesperson ng Bantay Karne at ASF Task Force na kinakailangang dumaan sa slaughter house kung magkakatay ng baboy at hindi sa backyard.

Samantala, ang naturang hakbang ay bilang pagsunod sa National Meat Inspection Service (NMIS).

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog