PANIBAGONG TAAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO, AASAHAN NGAYONG LINGGO


 

Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis ngayong Lunes ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na magtataas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.80 at diesel ng P0.60.

Habang aasahan naman ang rollback sa presyo ng kerosene na aabot sa P0.10.

Nabatid kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero noong nakaraang linggo na inaasahan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel, dahil sa paggalaw sa Mean of Platts Singapore (MOPS).

Matatandaan na una nang nagkaroon ng price adjustment noong nakaraang linggo sa gasolina ng P0.35, diesel ng P1.40, at kerosene ng P1.20.

|Teresa Iguid

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog