TUGADE, BUMITIW NA BILANG LTO CHIEF


 

Kumpirmadong bumitiw na sa tungkulin nito si Atty. Jose Arturo Tugade bilang chief ng Land Transportation Office (LTO). 

Ayon sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office nitong Lunes, sinabi ni Tugade na ang desisyon nitong bumaba sa pwesto bilang LTO chief ay dahil sa kakaibang pamamaraan ng pangunahing unit ng ahensya na Department of Transportation (DOTr). 

Aniya pa, ang kanyang pagbitiw ay isang oportunidad kay Transportation Secretary Jaime Bautista na malayang makakapili ng tauhan na makakatrabaho nito. 

Paliwanag ni Tugade na bagama’t pareho ng layunin ang DOTr at LTO na makamit ang tagumpay sa paghahatid ng serbisyo sa publiko, naiiba pa rin ang kanilang pamamaraan. 

Samantala, si Tugade ay anak ng dating Transportation Secretary Arthur Tugade at naitalaga bilang LTO chief noong Nobyembre 2022 kasunod ng karanasan nito sa management at litigation.  

|SAM ZAULDA 

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog