JANET LIM-NAPOLES, INABSUWELTO NG SANDIGANBAYAN

 

Spot-ph

Inabswelto ng Sandiganbayan ang tinaguriang ‘pork barrel queen’ na si Janet Lim-Napoles sa 16 na mga kaso ng graft na may kaugnayan sa pork barrel scam. 

“Finding Janet Lim Napoles NOT GUILTY in Criminal Case Nos. SB-14-CRM-0267 to 0282 for the failure of the prosecution to prove guilt beyond reasonable doubt in all the sixteen (16) charges of violation of Section 3 (e) of Republic Act No. 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended,” ayon sa ruling ng Sandiganbayan. 

Ipinaliwanag ng Sandiganbayan na ang alegasyon laban kay Napoles sa mga kaso kung saan ito napawalang sala ay kaugnay ng “predicate crime" sa plunder laban kay Senador Ramon Revilla Jr. kung saan nakasuhan na ito at nakulong. Ang "predicate crime" ay nangangahulugan na bahagi ng isang mas malaking kaso. 

Noong 2021 ay inabsuwelto rin sa kasong plunder sa pork barrel scam case si Revilla dahilan sa kakulangan ng ebidensya laban dito pero ang dating aide nito na si Richard Cambe ay nahatulan sa nasabing kaso. 

Ang kaso ay nag-ugat sa akusasyon na si Revilla ay naglipat umano ng P224 million sa PDAF nito sa bogus na non-government organizations (NGOs) na pag-aari ni Napoles. 

Samantalang ang hold departure orders na inisyu laban kay Lim-Napoles kaugnay ng nasabing 16 kaso ay tinanggal na rin ng anti-graft court. 

|John Ronald Guarin 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog