P32K PARA SA ISANG “FULL-TIME DAUGHTER”? SANA ALL





Ikinabilib ng netizens ang isang babaeng Chinese na may buwanang sahod na P32,000 sa pagiging isang “full-time daughter”.

Sa isang ulat, nag-resign sa kanyang trabaho ang isang babaeng Chinese para maging isang “full-time daughter” dahil sa mataas na level ng stress at palaging pressure sa pagiging on-call ng 24-oras kada araw.

Nakilala ang babae na si Nianan at dating nagtatrabaho sa isang news company sa loob ng 15 taon.

Dahil sa naranasang stress at pressure sa trabaho, nagdesisyon ang mga magulang nito na sagutin ang kanyang mga pangangailangan at bigyan ito ng buwanang allowance na 4,000yuan (P32,000) mula sa kanilang monthly retirement pension na umaabot sa 10,000yuan (P79,000) kapalit ng pagiging isang “full-time daughter”.

Inamin ni Nianan na ang inaalok na trabaho ng mga magulang nito ay parang hindi isang uri ng trabaho ngunit dahil sa pagnanais na makaipon ng pera ay tinanggap nito ang alok.

Gayunman, pinasiguro naman ng mga magulang ni Nianan na maaari itong maghanap ng mas komportableng trabaho. Subalit, kapag ayaw naman nitong magtrabaho ay sinabihan itong manatili sa bahay at ilaan ang kanyang oras kasama sila.

Ang “full-time daughter” ayon sa SCMP ay isang konseptong alternatibo para sa mga kabataang indibidwal sa China na humaharap sa tumataas na competitive job market at ang puspusang pagtrabaho sa ‘996’ – nagtratrabaho mula 9:00am hanggang 9:00pm ng anim na araw bawat linggo.

|SAM ZAULDA

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog