Nasungkit ng pambato ng Palawan na si Angelica Lopez ang korona sa kakatapos lamang na Binibining Pilipinas 2023, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ay matapos na mangibabaw ang ganda ni Lopez mula sa 39 na iba pang mga kandidata sa naging coronation night.
Kaugnay dito, kinoronahan naman bilang Binibining Pilipinas Globe 2023 si Anna Valencia Lakrini ng Bataan.
First runner-up naman si Katrina Anne Johnson ng Davao del Sur at Second runner-up si Atasha Reign Parani ng General Trias, Cavite.
Habang pasok naman ang pambato ng Aklan na si Ms. Jessilen Salvador, sa top 11 sa prestiyosong national pageant.
Samantala, dahil dito si Lopez
ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping 61st Miss International Pageant sa
Oktubre na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments