NIA-AKLAN, NAGHAHANDA NA SA POSIBLENG EPEKTO NG TAG-INIT SA SUPLAY NG TUBIG


 

Naghahanda na ang National Irrigation Administration- Aklan sa posibleng epekto ng tag-init sa suplay ng tubig sa probinsya ng Aklan.

Ito ang inihayag ni Engr. Juliet Gallardo, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, mula sa 1,848 na mga firm service ay nasa 1,050 lamang ang kaya ng water supply sa probinsya ng Aklan.

Dagdag pa ni Engr. Gallardo, magdedeliver sila ng tubig sa mga matataas na lugar sakaling hindi ito kakayanin ng mga irrigation canal.

Habang gumagamit din ang ahensya ng solar water pump upang makatulong na magkaroon ng tubig sa hindi irrigated na lugar.

Samantala, ito ay isa sa mga hakbang ng ahensya na masolusyunan ang problemang kakulangan sa tubig ng mga magsasaka sa probinsya ng Aklan.

|Jurry Lie Vicente

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog