‘RENAISSANCE WORLD TOUR’ NI BEYONCÉ, UMARANGKADA SA SWEDEN

 

 

Umarangkada sa Stockholm, Sweden ang “Renaissance World Tour” ni Beyoncé nitong May 10, 2023, kung saan nasa 37 mga kanta ang kaniyang ipinakita sa publiko sa loob ng tatlong oras. 

Naganap ang nasabing opening show ni Beyoncé sa Friends Arena sa Sweden at karamihan sa kaniyang mga ikinanta ay mula sa kaniyang 2022 album na Renaissance. 

Sa unang gabi ng nasabing show, ipinerform din niya ang kaniyang mga sikat na kanta mula sa kaniyang solo debut album noong 2003, mga hits ng Destiny’s Child, Lion King: The Gift, at iilang sa kaniyang mga sikat na collaboration.

Magpapatuloy ang Renaissance World Tour sa buong Europe hanggang Hulyo 9, kung saan kasama sa kaniyang shows ay isasagawa sa London, Barcelona, Brussels at Amsterdam bago magtungo sa Toronto, Canada para sa dalawang araw na concert sa Rogers Center. 

Dideretso ang tour ni Beyoncé sa Estados Unidos, simula sa Lincoln Financial Field ng Philadelphia at hihinto sa Chicago; East Rutherford, New Jersey; Atlanta, Houston at marami pang iba bago magtapos ang kaniyang world tour sa Setyembre 27 sa Caesars Superdome sa New Orleans.

 




📷 Beyonce/Instagram

|John Ronald Guarin

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog