PILIPINAS, NAKAUWI NG 58 GOLD MEDALS SA SEA GAMES 2023

 

 

Tagumpay ang koponan ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games matapos humakot ng 58 gintong medalya sa Phnom Penh, Cambodia.

Pinakamatagumpay dito ang arnis at taekwondo na parehong humakot ng anim na gintong medalya at itinanghal bilang most bemedalled team sa SEA Games.

Nakalikom ang arnis ng anim na ginto, dalawang silvers at apat na bronze medas habang ang taekwondo naman ay may anim na ginto, isang silver at walong bronze.

Galing ang ginto sa arnis kina Charlotte Tolentino (women’s full contact passed stick bantamweight), Jedah Soriano (women’s full contact passed stick lightweight), Ella Alcoseba (women’s full contact live stick bantamweight), Dexter Bolambo (men’s full contact live stick bantamweight), Trixie Lofranco (women’s individual anyo non-traditional open weapon) at Crisamuel Delfin (men’s individual anyo non-traditional open weapon). 

Wagi naman ng ginto sa taekwondo sina poomsae champion Patrick Perez (men’s individual), Jocel Lyn Ninobla, Nicole Labayne and Aidine Laxa (women’s team) at sina Kurt Barbosa (men’s finweight), Arven Alcantara (men’s featherweight), Samuel Morrison (men’s middleweight) at Elaine Alora (women’s middleweight).

Nakasungkit naman ng tig-apat na ginto ang gymnastics, athletics, boxing, obstacle race at wrestling habang may tig-tatlo ang soft tennis, kickboxing, jiu jitsu at endurance race.

Dalawang gold medals mula sa karate, esports, kun bokator, swimming at weightlifting habang may tig-iisa naman ang wushu, tennis, judo, at basketball.

Bukod-tanging si gymnastics world champion at Olympian na si Carlos Edriel Yulo ang double gold medalist nang nakasungkit ito ng dalawang ginto mula sa men’s all-around at parallel bars habang may dalawang silvers din ito sa team event at still rings.

Lalo pang naging matatag ang kampanya ng Pilipinas nang matagumpay na mabawi ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa men’s basketball.

Sa kabuuan, ika-lima ang Pilipinas sa kabuuang final medal tally sa SEA Games 2023 na may 260 total medals kung saan kinabibilangan din ito ng 86 silvers at 116 bronze medals.

📷 SEAG Network/Facebook

|John Ronald Guarin

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog