MGA PILIPINONG NAKAREHISTRO SA NATIONAL ID, UMABOT NG 78.49-M


Ni Rio Trayco

Umabot sa 78.49 million na mga Pilipino ang nakarehistro na sa national identification project ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Statistics Authority.
Plano ng PSA na tapusin na ang paggawa ng digital credentials at PhilSys Numbers ng mga nagparehistrong Pilipino sa katapusan ng Mayo o sa pagsisimula ng Hunyo.
Ayon sa tanggapan, nasa 37 million na ang na-imprintang national ID’s kung saan 29.84 million na ang na-deliver ng PhilPost.
Kaugnay nito, wala namang natanggap na imbitasyon ang pamunuan ng PSA sa isinusulong na imbestigasyon sa senado dahil sa pagka-delay ng pag-issue ng national ID, hindi malinaw na picture, at maling impormasyon.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog