52 LADY LEGISLATORS, BINUO SA PROBINSYA NG AKLAN

 


Ni Jurry Lie Vicente

Nasa 52 lady legislators ang binuo sa probinsya ng Aklan para gumawa ng mga polisiya na isulong ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, kabataan at pamilya.

Ito ang inihayag ni Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Ang naturang organisasyon ay tatawaging Aklan Lady Local Legislators League of the Philippines na kinabibilangan ng mga policy maker mula Vice Governor, Sangguniang Panlalawigan, Vice Mayor at Councilor. 

Layunin nitong paunlarin ang umiiral na batas na nakakaapekto sa lokal na pamahalaan at mga residente lalo na ang mga kababaihan at kabataan. 

Taong 2019 sinimulan ang paghalal ng mga opisyal ngunit sinuspende ito dahil sa pandemya. 

Samantala, hinihikayat naman ang mga kababaihang opisyal sa bawat bayan na lumahok sa nasabing organisasyon upang maging bahagi ng mga proyekto at programa pati na ang livelihood. 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog