99 NA PINOY MULA SUDAN, NAKARATING NA SA BANSA

Ni Rio Trayco

Dumating na sa bansa ang nasa 99 na mga Pinoy na umalis sa bansang Sudan dahil sa patuloy kaguluhan doon.
Sa Jeddah, Saudi Arabia dumaan ang mga ito lulan ng flight SV 870 at sinalubong ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration sa NAIA Terminal 1.
Binigyan ang mga ito ng tig P50,000 pesos na tulong pinansyal at iba pang ayuda habang naghihintay na makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Maliban dito may mga nakatakdang uuwi na mga Pinoy sa Pilipinas mula sa Sudan na tinututukan ng gobyerno para masigurong ligtas ang mga ito.
Nabatid na mas lalo pang lumala ang sitwasyon doon dahilan na maraming mga kababayan ang nais makauwi sa Pilipinas para sa seguridad.
📷OWWA
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog