2 BARKO NA NAGBANGGAAN SA CEBU, SINUSPINDE NG MARINA

 

Photo Courtesy: PCG


 Pansamantalang itinigil muna ng Maritime Industry Authority ang operasyon ng dalawang barko na nagbanggaan sa karagatang bahagi ng Mandaue City, Cebu.

Ayon kay MARINA enforcement service director Ronald Bandalaria, hindi na muna papayagang bumiyahe ang MV St Jhudiel na pag-aari ng Supercat Fast Ferry Corporation, at ang cargo vessel na LCT Poseidon 2 na pag-aari ng Primary Trident Marine Solutions.

Napag-alamang naging dahilan ng naturang insidente ang "steering casualty" ng pampasaherong barko na nag-resulta rin sa "engine failure".

Tinatayang na 25 hanggang 30 kataong sakay ng MV ST. JHUDIEL ang naitalang sugatan habang ligtas naman ang 20 truck drivers/cargo helpers na sakay ng LCT POSEIDON 23.

Matatandaang nagsalpukan ang dalawang barko sa Mactan Channel sa Cebu nitong Linggo, Mayo 21, 2023.

|SAM ZAULDA

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog