KUWAIT, PANSAMANTALANG SINUSPINDE ANG PAGBIBIGAY NG VISA SA MGA PILIPINO


Ni Sam Zaulda 

Pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ng Kuwait ang pag-isyu ng mga visa sa mga Pilipino, ayon sa Kuwaiti Interior Ministry. 

Anunsyo ng Kuwait government na mayroon umanong nilabag ang pamahalaan ng Pilipinas sa bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa. 

Wala namang nabanggit na detalye ukol sa umano’y nagawang paglabag ng Department of Migrant Workers (DMW). 

Kung matatandaan, nitong Pebrero ay nagpatupad ng deployment ban sa mga first time domestic workers ang DMW papuntang Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) na si Julleebee Ranara at iba pang mga kaso ng pagmamaltrato sa mga OFWs. 

Samantala, sinabi ng DMW na hinihintay pa nito ang official communication mula sa Kuwaiti government kaugnay sa suspension ng pag-isyu ng visas sa mga Pilipino. 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog