MASS CULLING, ISINAGAWA SA SIYAMNAPU'T SIYAM NA MGA ALAGANG BABOY SA BRGY. BUBOG NUMANCIA- MUNICIPAL AGRICULTURIST

 

 

Nasa siyamnapu't siyam (99) na alagang baboy ang kinatay sa Barangay Bubog, Numancia, makaraang makitaan ng ilang sintomas ng African swine fever (ASF). 

Ito ang kinumpirma ni Judy Gonzales, Municipal Agriculturist ng Numancia, sa panayam ng Radyo Bandera News Team, kung saan personal aniyang dumulog sa kanilang tanggapan ang isang hog raiser at inirekomenda ang pagkakaroon ng mass culling sa mga alaga nitong baboy. 

Ayon kay Gonzales, agad namang isinagawa ang naturang rekomendasyon sa tahanan mismo ng humihiling na hog raiser kasabay ng pagkuha ng blood sample upang makumpirma kung positibo ba ito sa nakakamatay na virus sa mga baboy. 

Inihayag rin ni Gonzales na maliban dito ay mayroon pang iba na mga naiulat na pagkamatay ng mga baboy sa nasabing bayan kung saan patuloy naman aniya nila itong tinututukan. 

Sa kabila naman ng kanilang nararamdamang panlulumo, ipinunto rin nito na kailangan nilang ipatupad ang ilang mga hakbang tulad ng pagbabawal ng pagkatay nito sa slaughterhouse gayundin ang pagbebenta ng karne nito sa kanilang public market, upang maiwasan na ang mga posibleng transmission ng virus.

Samantala, patuloy naman ang paghingi nito ng pasensya at pag-unawa magmula sa mga hog raisers at negosyante  na lubhang apektado sa pagtama ng nasabing sakit sa mga baboy.

|Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog