MABILIS NA PAGKALAT NG ASF SA BRGY. BRIONES KALIBO, DAHIL SA KAKULANGAN SA DISIPLINA- PUNONG BARANGAY BRIONES

Hon. Rafael Briones, Punong Barangay ng Brgy. Briones, Kalibo, Aklan

 


  

“Kulang sa disiplina” ito ang mariing salita na binitawan ni Punong Barangay Rafael Briones, matapos na maiulat ang mabilis na pagkalat ng nakakamatay na sakit ng baboy na African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar. 

Inihayag ni Punong Barangay Briones sa panayam ng Radyo Bandera News Team, na aabot na sa 95% ng mga alagang baboy sa Barangay Briones, Kalibo ang apektado sa ng ASF. 

Isa sa mga hinihinala nitong pinagmulan ng pagkalat ng nasabing virus ay ang selebrasyon ng kanilang Fiesta, kamakailan lamang. 

Maari aniyang may mga indibidwal na nagpuslit ng karneng baboy mula sa mga kalapit na lugar na may hinihinalang kaso ng ASF. 

Ani pa ni Briones, matapos ang naturang okasyon ay marami nang mga hog raisers ang nagpaabot sa kaniyang tanggapan na mayroong sintomas ng ASF ang kanilang mga alagang baboy at karamihan pa dito ay hindi na naisalba at namatay. 

Dagdag pa nito, posible na isa rin sa mga pinagmulan ng mabilis na pagkalat ng virus sa kanilang Barangay ay ang proseso ng ng paglibing sa mga namatay na alaga. 

Maaari aniya na hindi nasunod ang tamang proseso nito, dahil bago pa man maipabatid sa kaniyang tanggapan ay tapos na ang paglibing sa mga namatay na baboy. 

Samantala, nanawagan naman si Punong Barangay Briones lalo na sa kanilang mga kalapit na Barangay na magkaroon ng mahigpit na panuntunan laban sa ASF upang maiwasan na kumalat pa ito.

|Teresa Iguid

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog