Pinagtibay ng House of Representatives
ang House Resolution No. 77 sa ikalawang pagbasa na humihimok sa Department of
Foreign Affairs (DFA) na magtayo ng kanilang consular office sa bayan ng
Kalibo.
Ang naturang resolusyon ay
isinumite ni Aklan First District Representative Carlito Marquez at Pangasinan
3rd District Rep. Maria Rachel Arenas.
Ayon kay Marquez, malaking
tulong aniya ang pagkakaroon ng consular office ng DFA sa lalawigan upang hindi
na kailangan pang bumiyahe ng Iloilo o Bacolod ang mga taga-Aklan pati na ang
kalapit nitong lugar para mag-renew o kumuha ng kanilang passports.
Ang pagtayo ng DFA-CO ay
kabilang sa mga mandating alinsunod sa Executive Order No. 45, series of 2017
na nagsasaad ng reorganization ng mga field offices ng DFA-Office of Consular
Affairs.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments