Umaabot na sa 13 bayan sa probinsya ng Aklan ang nagdeklara ng pansamantalang pagsuspinde ng klase gayundin ang ilang opisina ng gobyerno bunsod ng masamang panahon dala ng bagyong Betty.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Jeffrey Jismundo, Officer in Charge ng PDRRMC-Aklan, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.
Aniya, ito ay
kinabibilangan ng bayan ng Nabas, Kalibo, Tangalan, Ibajay, Banga, Lezo,
Libacao, Madalag, New Washington, Altavas, Buruanga, Malay, Makato.
Batay naman sa kanilang monitoring, nasa katamtaman pa rin aniya ang mga pag-ulan sa lugar ng Libacao.
Habang may mga ilog sa probinsya na nasa below normal at normal pa rin ang level ng tubig.
Samantala, wala pa
umanong banta ng mga pagbaha sa mga bayan na sakop ng probinsya at wala ring
naitalang damages at casualties.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod
– tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments