LAKERS, TATAPUSIN NG NUGGETS SA GAME 4

 

Nakuha na ng Denver Nuggets ang control sa Western Conference finals sa pamamagitan ng 119-108 road victory laban sa Los Angeles Lakers ngayong Linggo. 

Batay sa ulat, umiskor si Jamal Murray ng 30 sa kanyang 37 puntos sa first half habang si Nikola Jokic ay nagtala naman ng 15 fourth-quarter points para tulungan ang Denver na manguna sa 3-0 sa best-of-seven series. 

Nagtapos ang two-time MVP na may 24 puntos, walong assist at anim na rebound. 

Isang panalo na lang ang layo ng Nuggets para maabot ang NBA Finals sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng franchise. 

Maaari naman nilang masungkit sa Martes sa Game 4 na gagawin sa Los Angeles. 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog