5 MIYEMBRO NG NPA, PATAY SA NANGYARING ENGKWENTRO SA PAGITAN NG MILITAR AT MGA REBELDE


Source: 62nd Infantry Unifier Battalion


Nasawi ang 5 miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) sa isang engkwentro nitong Mayo 20, 2023 sa Brgy Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental.

Batay sa ulat, nagsagawa ng combat operations ang 62nd Infantry “Unifier” Battalion bilang tugon sa impormasyong nagpaplano ng kalupitan ang ilang New People’s Army sa Moises Padila at La Castellana sa probinsya ng Negros Occidental.

Dito na nangyari ang magkasunod na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde kung saan tumagal ng 10 minuto ang unang engkwentro at limang minuto sa sumunod nitong pagpapalitan ng putok na ikinasawa ng limang CNTs.

Maswerte namang walang natamong pinsala sa hanay ng mga sundalo mula sa nangyari.

Kaugnay nito, matapos ang engkwentro narekober ng mga sundalo mula sa sagupaan ang isang (1) M16 rifle, dalawang (2) cal 38 pistols, isang (1) KG9 machine pistol na may bala, isang (1) UZI machine pistol na may bala, dalawang (2) homemade 12 gauge shotgun, apat (4) na Rifle grenade ammunition, apat (4) na cal 38 live ammunition, isang (1) 12 gauge ammunition, dalawang (2) cal 45 magazines, dalawang (2) baofeng radio, isang (1) keypad cellphone, 15 backpacks, isang (1) bandolier, isang (1) NPA Flag, ilang medical paraphernalia, food supplies, enemy war materiel, at personal belongings.

Samantala, hindi pa nakikilala ang limang nasawi na NPA na nakatakdang iturn-over sa Moises Padilla PNP station.

|Sam Zaulda

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog