KITA INITIATIVE PARA SA MGA MICRO ENTREPRENEUR, NAKATAKDANG IPATUPAD SA BAYAN NG KALIBO


 

Nakatakdang ipatupad sa bayan ng Kalibo ang proyektong Kilos. Ikaw Tayo'y Aangat o “KITA Initiative” para sa mga micro entrepreneur. 

Ito ang inihayag ni Mr. John Marlou Salido, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo. 

Aniya, isa sa mga pinarangalan ang kanyang project proposal kung saan nakatanggap ito ng P250,000 cash grant mula sa US Agency for International Development & the Asia Foundation. 

Ang “Kita Initiative” ay isang economic empowerment program ng kanyang non-profit organization sa Kalibo na Project Kalibo Inc. 

Dagdag pa ni Mr Salido, layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga micro entrepreneur at matulungan na magkaroon emergency fund gayundin ang pakikibahagi sa mga financial literacy seminar and workshop. 

Samantala, ang magiging benepisyaryo ng programa ay ang mga miyembro ng Kalibo Food Cart Association at Andagao, Kalibo Transport Group (AKTODA).

|Jurry Lie Vicente

 Ang programang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog