Aabante na sa finals ang 7 pinoy boxers sa nagpapatuloy na Southeast Asian (SEA) Games 2023 sa Cambodia.
Ito’y matapos nilang mapagtagumpayang talunin ang delegado ng iba’t ibang bansa na kalahok sa SEA Games.
Kabilang rito ang Tokyo Olympics silver medalist na si Nesthy Petecio na pumasok na sa finals pati na sina Rogen Ladon, Ian Clark Bautista, Norlan Petecio, at John Marvin.
Nanaig din sa kani-kanilang semis match sina Tokyo Olympian Irish Magno at Riza Pasuit.
Ikinasaya naman ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary-General Marcus Jarwin Manalo ang pagkapasok ng mga Pinoy sa finals ngunit ipinahayag nitong kinailangan na mapanatili ng mga boxers ang kanilang pokus lalo na’t mas malaking hamon ang kahaharapin sa finals ng SEA Games 2023.
Samantala, nakatakdang lalaban si Petecio sa isang Indonesian na si Ratna Sari Devi ngayong Linggo para sa finals.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments