DSWD, NAGBABALA SA MGA BENEPISYARYONG NAGSASANGLA NG ATM



Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo nito ukol sa pagsasangla ng kanilang ATM cards bilang collateral sa kanilang utang.

Sa isang ulat, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na isang ilegal ang ‘sangla-ATM’ scheme at nilalabag nito ang cash transfer program ng pamahalaan.

Ani pa ni Gatchalian na magiging bagong beneficiary na ng programa ang taong napagbigyan ng benepisyaryo ng ATM o cash card.

May kaakibat namang parusa ang sinumang lumabag o nahuling nagsangla ng ATM card at maaaring mauwi sa pagkakatanggal mula sa mga iba pang programa ng pamahalaan sa hinaharap.

Samantala, hinikayat ni Gatchalian ang publiko na agad ipagbigay-alam sa DSWD ang sinumang sumasangla ng kanilang ATM o cash cards para isailalim sa imbestigasyon.

|Sam Zaulda

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog