Posibleng kasuhan ng mga mambabatas ang tinaguriang ‘Sibuyas
Queen’ na itinuturong responsable sa pagtaas presyo ng sibuyas at gulay noong
nakaraang taon.
Ayon kay Rep. Wilfrido Mark Enverga, lumalabas sa
imbestigasyon na isinagawa ng House Committee on Agriculture and Food na
maliban sa negosyanteng si Leah Cruz, may iba pang mga pangalan sa gobyerno na
irerekomendang sasampahan ng kaso.
Ito ay matapos maungkat na nakipagsabwatan ang mga ito kay
Cruz para i-hoard ang supply ng sibuyas na naging dahilan ng pagtaas ng presyo.
Bagama’t hindi pa naglabas ng pinal na desisyon ang komite
hinggil sa imbestigasyon, sinisiguro nitong lahat ng isasampang kaso ay mayroong
sapat na ebidensya.
Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay umabot sa P800
pesos ang kada kilo ng sibuyas na pinakamataas sa kasaysayan ng bansa dahil sa
kakulangan sa supply sa mga pamilihan.
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments