PRESIDENT MARCOS, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAGTIPID SA TUBIG AT KURYENTE




Umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente dahil sa inaasahang kakulangan sa supply nito ngayong tag-init.

Ito ay dahil sa sumusobra na ang demand ng kuryente sa karaniwang supply ng buong bansa.

Dumagdag pa rito ang nararanasang tag-init kung saan naapektuhan ang ilang dam, irigasyon at hydroelectric power plants na inaasahan ng ilang lugar ang sinusupply na kuryente.

Ayon kay Marcos, inatasan niya ang DILG na iparating sa mga lokal na pamahalaan ang kampanya hinggil sa pagtitipid ng tubig.

Batay kasi sa forecast ng PAGASA, tatagal hanggang buwan ng Agosto ang El Niño sa bansa na posibleng magdala ng malawak na epekto sa agrikultura, enerhiya at kalusugan.

Maliban dito naghahanda rin ang gobyerno sa pagpasok ng La Niña pagkatapos ng matinding init na mararansan.

|Rio Trayco

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog