Nasa apat na
international flight ang nakatakdang magbabalik sa Kalibo International Airport
sa June 15 ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni
Engr. John William Fuerte ng CAAP-Aklan, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM
Kalibo.
Aniya, magbabalik na ang
Philippine Air Asia international flight na may biyaheng Incheon-Kalibo
gayundin ang Busan-Kalibo, tuwing araw ng Martes, Huwebes, Biyernes at Linggo.
Maliban dito, meron
din silang Taipei-Kalibo vice versa, tuwing araw ng Lunes, Martes at Biyernes
at Pudong China-Kalibo vice versa, tuwing araw naman ng Lunes, Miyerkules at
Sabado.
Habang sa Hunyo 29 ay
magkakaroon din ng flight ang OK Air na may biyaheng Chengdu-Kalibo vice versa.
Samantala, unti-unti
na rin aniyang bumabalik ang pre-pandemic flight sa KIA kung saan nasa tatlo
hanggang apat na international flight at apat hanggang lima na domestic flight
ang bumabyahe sa paliparan kada araw.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng
mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center
sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it
minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO
BANDERA!
0 Comments