Photo Courtesy: FreebieMNL |
Tuluyan nang iniwan ng
aktres at singer na si Nadine Lustre ang pagkain ng karne at ang pagbili ng mga
produktong galing sa hayop tulad ng leather.
Ito ang kanyang inamin sa
isang vlog ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo.
Ibinunyag pa ni Lustre na
naging mas mailap na siya ngayon sa pagbili ng mga gamit na gawa sa hayop magmula
nang ito’y maging vegan.
Ani nito, naging malinaw sa
kanya na sa tuwing ito’y makakakita ng mga hayop na kinakarga sa mga truck o
mga nakabitay na karne ay nakakaramdam ito ng lungkot at awa.
Samantala, ang pagiging
vegan ay isang lifestyle na kung saan kadalasang sinasanay ng karamihan ang
paniniwalang mabawasan ang pinsala sa pamamagitan ng pananamit at mga
produktong ginagamit.
Gayundin, kasama rin sa
pagiging vegan ang hindi pagkain ng karne, manok, itlog, pagkaing-dagat at dairy
pati na ang hindi paggamit ng leather, silk, at honey.
|Isa Mae Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments