PAGBABALIK NG CHICKEN INASAL FESTIVAL, PINAGHAHANDAAN NA NG BACOLOD CITY; 3,000 STICKS NG INASAL, ILULUTO SA PINAKAMAHABANG IHAWAN SA BUONG BANSA
Ni John Ronald Guarin
Pinaghahandaa ng gobyerno lokal ng Bacolod City ang pagbabalik ng Bacolod Chicken Inasal Festival matapos ang apat na taon, kung saan gaganapin ito Mayo 26 hanggang 28, 2023 sa Upper East, North Capitol Road, at Manokan Country.
Sa May 26 gaganapin ang Opening Ceremony ng nasabing selebrasyon
sa North Capitol Road.
Ayon kay SP Councilor Celia Flor, nakasentro ang konsepto ng kapistahan sa promotion ng Manokan Country bilang ‘icon of Bacolod.’—base sa inaprubahang City Ordinance No. 847 ni Sangguniang Panlungsod (SP) committee on tourism Councillor Jason Villarosa.
Sa pahayag naman ni Bacolod Tourism Officer Teresa Manalili,
magsasagawa sila ng pinakamahabang grilling station ng chicken inasal sa buong
bansa na nakatakdang gawin sa Upper East, Megaworld sa Mayo 28, kung saan nasa
320 meters ang haba nito na lalahukan ng mahigit 80 na mga grupo at mag-iihaw
ng nasa 3,000 sticks ng chicken inasal.
📷 Albee
Benitez/Facebook
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments