Nasagip na ng mga miyembro
ng Philippine Coast Guard ang ilang pasaherong sakay ng barkong sumadsad sa
katubigan ng Dapa, Siargao Island sa Surigao Del Norte.
Nangyari ang insidente
nitong Mayo 27, 2023 habang ito’y nakatakdang sasampa sa pantalan ng Dapa.
Ayon sa inisyal na
imbestigasyon ng PCG, nagkaroon umano ng aberya ang makina ng barkong M/V Riena
Xaviera dahilan na nahirapan itong makalapit sa pier.
Naging sanhi rin ang malakas
na hanging dala ng bagyong “Betty” na sumadsad ang barko.
Samantal, tiniyak naman ng
PCG sub-station Dapa na ligtas nang nakarating sa port ang 38 pasaherong sakay
nito.
|Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments