60K FOOD PACKS SA ORIENTAL MINDORO, PAPALITAN NG DSWD DAHIL SA KAKAIBANG LASA NG TUNA NA LAMAN NITO


Ni Rio Trayco

Nagdesisyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na papalitan ang mga food packs na may lamang canned tuna na inirereklamo ng mga residente sa oriental Mindoro.
Ang nasabing mga food packs ay ipinamahagi sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Marso.
Ayon sa DSWD Mimaropa, magsisismula nang dumating ang nasa 60,000 na food packs ngayong araw bilang pang palit sa naunang naipamigay.
Nauna na umano silang nakatanggap ng reklamo sa delatang tuna na kasama sa food packs na may kakaiba itong lasa at hindi makain ng mga residente doon.
Sa kabila nito nilinaw ng ahensya na hindi expired ang nasabing delata sa food packs at hindi rin umano babayaran ng gobyerno ang supplier nito kung hindi naman makain ng publiko.
Nakatakda namang makipagpulong ang DSWD sa supplier kung ano ang mainam na gawin sa nasabing produkto.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog