Ni Teresa Iguid
Mapalad na nakaligtas ang isang magpapawid matapos itong
barilin ng isang Brgy. Tanod sa Jugas, New Washinton, Aklan.
Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay PSSG. Ranjee Prado, imbestigador ng New Washington PNP, nabatid na madaling araw ng Mayo 6, nakatanggap sila ng isang tawag na may nangyayaring pamamaril at komosyon sa nasabing lugar.
Agad naman itong nirespondihan ng mga otoridad at nakilala ang biktimang si Rio Tupas, residente ng Sitio Norte Brgy. Jugas ng nasabing bayan at ang suspek ay kinilala naman na si Tommy Cristobal, Brgy tanod ng naturang lugar at naninirahan sa National Housing Authority (NHA).
Batay naman sa kanilang imbestigasyon, napag-alaman na nanggaling ang biktima sa isang benefit dance at napag desisunan nitong umuwi sa bahay ng kaniyang kaibigan sa NHA. At dito ay may nadaanan itong isang rambol na kinasasangkutan ng mga kabataan.Ngunit habang naglalakad palayo sa nasabing komosyon ay bigla na lang itong nagulat ng sunod-sunod itong paputukan. At dahil sa narinig na putok ay agad namang nag dive si Tupas, kung kaya’t mapalad na hinid ito tinamaan ng bala.
Napagalaman din kay Prado na sangkot ang anak ng suspek sa nadaanang gulo ni Tupas kung kaya’t posible aniya na inakala ng suspek na sangkot din ito sa gulo.
Samantala, kulong ngayon si Cristobal sa New Washington lock-up cell habang pursigido naman ang biktima na sampahan ito ng kaukulang kaso.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments