Nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang dalawang itinuturing na High Value Individual (HVI), ngayong araw.
Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay PMAJ Frensy Andrade ng PDEU-Aklan, napag-alaman na ang matagumpay na operasyon ay sa pagtutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Aklan at ng Aklan Police Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) nitong May 5 ng gabi sa Concepcion St. corner Goding Ramos, Poblacion Kalibo, Aklan.
Ayon pa kay Andrade ang mga nahuli na sina Rommel Garcia na residente ng Tinigao, Kalibo at top 9 na drug personality sa Region VI, at John Ryan Malvas na taga Barangay Mabilo Kalibo, ay parehong itinuturing na High Value Individual.
Napag-alaman din na matagal nang isinailalim sa monitoring ng kapulisan si Garcia na kadalasang itinuturo bilang source ng ilegal na droga ng mga nahuhuli nilang sangkot din sa kaparehong gawain. Habang nabatid naman na si Malvas naman ay dati na ring nahuli sa dahil sa droga at nakalaya lamang matapos maka-avail ng plea bargaining.
Dagdag pa ni Andrade, nagsusupply aniya ng droga ang dalawa sa ibat-ibang bayan sa probinsya ng Aklan at posibleng ang pinagkukunan ng mga ito ay ang Roxas at Iloilo.
Matatandaan na una nang inihayag ng PDEA na narekober sa
naturang operasyon ang humigit kumulang 7 grams ng pinaghihinalaang shabu na
may estimated value na P47,600 pesos, buy-bust money at iba pang gamit.
0 Comments