PALAKASAN SYSTEM SA PNP, AALISIN NA NI GEN. ACORDA
Ni John Ronald
Guarin
Sinisiguro ni Philippine
National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda,Jr. na bubuwagin ng kanyang pamunuan
ang palakasan system at ibabalik ang kredibilidad ng mga pulis.
Ayon kay Acorda, hindi
niya hahayaang magkaroon pa ng palakasan system ang kanyang liderato para
lamang sa promotion ng mga pulis sapagkat dapat nakabase ito sa merits at abilidad
ng isang pulis.
Samantala, naniniwala rin si Acorda na nirerespeto at hindi dapat kinatatakutan ang mga pulis kaya naman sisikapin ng kaniyang pamunuan na pagbutihin pa ang serbisyo ng PNP sa loob ng kaniyang pitong buwang panunungkulan bago ang kanyang mandatory retirement.
Dagdag pa ni Acorda,
mahalaga ang krebilidad ng pulis upang mas tumagal pa ang tiwala ng publiko sa
PNP.
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments