Kumpirmadong pumanaw na ang British actor na si Ray Stevenson sa edad na 58-anyos nitong Linggo.
Sa isang ulat, walang
nabanggit na impormasyon ukol sa dahilan ng pagkamatay ni Stevenson.
Subalit, naiulat sa isang
Italian newspaper ‘La Repubblica’ na sa araw ng pagkamatay ng aktor ay nasa
film shooting umano ito ng upcoming movie na may pamagat na “Cassino on Ischia”
sa isla ng Ischia.
Si Ray Stevenson, isang
British actor ay nagsimulang lumabas sa mga telebisyon noong 1990s at early 2000s.
Noong 2004, nakuha nito ang
kanyang kauna-unahang major role sa pelikulang “King Arthur” kung saan ginampanan
nito ang karakter ng isa sa mga Knights ng Round Table.
Kabilang din sa mga tauhan
ng pelikulang “Thor: Ragnarok” si Stevenson na gumanap bilang si Volstagg habang
ginampanan din nito ang karakter ni Frank Castle sa pelikulang Punisher: War
Zone.
Samantala, ang pagkamatay ni
Stevenson ay inihayag apat na araw bago ang kanyang ika-59 na kaarawan.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments