P2.48-B PROJECT PARA SA MODERNISASYON NG NATIONAL ID, APRUBADO NA

 


Aprubado na ng pamahalaan ang P2.48 bilyong public-private partnership (PPP) project para gawing moderno ang national identification system.

Ang naturang desisyon ay isinagawa kasunod ng paulit-ulit na problema sa pag-rollout ng Philippine Identification System (PhilSys) magmula nang ito ay ipatupad noong 2018.

Isa din sa mga naging problema ang pagkansela ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng kontrata nito sa pag-print sa isang private vendor AllCard Inc.

Kung saan, tanging 57.9 milyong physical cards lang ang nai-deliver mula sa target na 116 milyon.

Ayon sa ulat, makakatulong ang pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor upang masolusyonan ang matagal na production backlogs at sagabal sa operasyon ng paglalabas ng National IDs.

Nabatid na mahigit 91 milyong mga Pilipino na ang nakarehistro ng kanilang demographic data ngunit wala pa silang hinahawang physical card at nananatiling nakadepende sa temporary paper printouts o digital versions.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito