Umabot sa mahigit 800 driver's license ang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) bilang bahagi ng kampanya nito laban sa mga irregular driver.
Sa isang pahayag sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na mula noong Oktubre ng nakaraang taon, 434 na lisensya ang nabawi, habang 396 ang nasuspinde mula nang maitalaga siya sa posisyon.
Dagdag pa niya, sa 434 na binawi na lisensya, 32 ang nakansela sa loob ng dalawang taon, 15 sa loob ng apat na taon, at 94 ang permanente.
Layunin ng crackdown ay ibalik at palakasin ang disiplina sa kalsada, maiwasan ang mga aksidente, at matiyak ang kaligtasan ng publiko.
TERESA IGUID
0 Mga Komento