NIA, NAGHAHANDA NA SA POSIBLENG EPEKTO NG EL NIÑO SA PILIPINAS

 


Naghahanda na ang National Irrigation Administration at iba pang katuwang sa Comprehensive Agrarian Reform Program–Irrigation Component (CARP-IC) laban sa posibleng epekto ng Super El Niño sa mga sakahan sa bansa.

 

Kabilang sa kanilang hakbang ang inspeksyon at assessment ng mga irrigation facility, paglilinis ng mga kanal, at pagsasagawa ng maintenance activities upang mapabuti ang daloy ng tubig at matiyak ang sapat na suplay ng irigasyon ngayong tag-init.

 

Pinalalakas din ng ahensya ang koordinasyon sa irrigators’ associations, mga lokal na pamahalaan, at iba pang partner agencies para sa mas maayos na water management at pagpapatupad ng water conservation measures.

 

Hinikayat din ng NIA ang paggamit ng climate-resilient technologies tulad ng solar-powered irrigation systems upang makatulong ang mga komunidad na makaangkop sa posibleng matinding tagtuyot dulot ng Super El Niño.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito