Pinawi ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng publiko
na nababahala matapos makatanggap ng summons makaraang magparehistro bilang
botante.
Paliwanag ng COMELEC, ipinapadala ang summons kapag may naghain ng
oposisyon o pagtutol laban sa voter registration application ng isang
indibidwal at nais itong dinggin ng Election Registration Board (ERB).
Pinayuhan naman ng ahensya ang mga nakatanggap ng summons na
dumalo sa pagdinig upang maipagtanggol ang kanilang karapatang bumoto.
Dagda pa dito, inirerekomenda rin ang pagdadala ng mga dokumentong
magpapatunay ng pagiging kwalipikadong botante tulad ng valid IDs at proof of
residency.
✍TERESA IGUID

0 Mga Komento