BENEPISYO NG DARK CHOCOLATE SA KATAWAN, ALAMIN!

 


ALAM NIYO BA | Ang pagkain ng dark chocolate ay makakatulong upang maiwasan ang mga sakit sa puso.

Batay sa ilang mga pag-aaral, mas mainam na kumain ng dark chocolate kumpara sa ordinaryong tsokolate dahil mas mataas ang nilalamang cocoa ng dark chocolate na mayaman sa mga antioxidant.

Kung saan, mas napapabuti ng dark chocolate ang kalusugan ng puso dahil sa taglay nitong flavonoids.

Natutulungan din nitong paluwagin ang mga ugat at mapababa ang blood pressure pati na ang pagpapabuti ng daluyan ng dugo papunta sa utak.

Ang pagkain ng dark chocolate ay hindi lang nakakatulong sa pag-iwas sa sakit sa puso kundi maaari din nitong mapabuti ang memorya at pag-iisip, lalo na sa mga nakatatanda.

Bukod dito, may positibo ring epekto ito sa mood ng isang tao dahil nakakapagpalabas ng mga chemical sa utak na nagdudulot ng pakiramdam na kasiyahan at pagbabawas ng stress.

Gayunman, paalala ng mga doktor na dapat pa ring kontrolado ang pagkain ng dark chocolate.

Ang sobrang pagkonsumo nito ay maaaring magdulot ng sobrang calories at asukal sa katawan.

Bagama’t masarap ang pagkain ng dark chocolate, mas mainam pa ding kumain sa tamang dami at bahagi ng isang balanse at malusog na diyeta.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito