BABAE SA JAPAN, KINASAL SA AI?

 


Lumuluhang rumampa sa pasilyo ng wedding hall sa western Japan ang bride na si Yurina Noguchi para sa pag-iisang dibdib nito sa kaniyang husband-to-be na isang AI-generated persona.

Ayon sa report, nahulog ang loob ng isang 32-anyos na call centre operator kay Klaus, isang artificial intelligence persona, hanggang sa nag-proposed na ito.

Nagsimula ang pagkahumaling ni Noguchi sa artificial intelligence persona nang isang beses ay humingi ito ng payo sa ChatGPT tungkol sa magulo nitong relasyon sa kaniyang dating fiancé.

Aniya, sinabihan umano siyang tapusin na ang kanilang engagement na kaniya namang sinunod.

Hindi man kapani-paniwala, mas lalong lumalim ang pagkagusto ni Noguchi sa AI persona na umabot pa ito sa kasal.

"My relationship with AI is not a 'convenient relationship that requires no patience'," anito. "I chose Klaus, not as a partner that would help me escape reality, but as someone to support me as I live my life properly."

"If dating an AI makes me feel happier, that's why I want to be with an AI, it's that simple," dagdag pa nito. "It doesn't matter whether it's a person or an AI, in my case it just happened to be an AI."

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog