Nauwi sa
kasuhan ang tila simpleng palayaw na “Tombek”, na ang ibig sabihin sa English
ay “chubby,” matapos ireklamo ng isang Turkish woman ang kanyang asawa dahil
umano sa pang-aalipusta.
Batay sa
ulat, nadiskubre ng babae na naka-save sa cellphone ng kanyang asawa ang ibang
pangalan imbes na ang tunay niyang pangalan. Lumabas na ang ginamit ng lalaki
ay ang palayaw na “Tombek,” na itinuturing ng babae bilang isang
nakaka-insultong bansag na nagpapababa sa kanyang pagkatao at nakaapekto sa
kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Hindi naman
isiniwalat sa publiko ang pagkakakilanlan ng mag-asawa, ngunit napag-alaman na
pinanigan ng korte ang babae. Inutusan ang lalaki na magbayad ng danyos sa
kanyang asawa at inaprubahan din ang hiling na diborsyo.
Bukod dito,
pinatawan ng parusang pagkakakulong ang lalaki, bagaman hindi tinukoy kung
gaano katagal ang sentensiya.
Dahil sa
naturang desisyon, itinuturing na ngayon sa Turkey na isang legal precedent ang
kaso, na nagsisilbing babala sa mga kalalakihan na maging maingat sa pagbibigay
ng mga palayaw sa kanilang mga asawa upang maiwasan ang katulad na insidente sa
hinaharap.
0 Comments