Naaresto ng kapulisan ang lalaking wanted sa kasong Direct Assault Upon an Agent of Person in Authority sa ilalim ng Article 148 ng Revised Penal Code.
Ikinasa ang operasyon nitong Lunes, Agosto 18 ng intelligence personnel ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company sa pakikipagtulungan sa Balete MPS, Aklan-PIU, Aklan- MARPSTA at PHPT- Aklan.
Nagtalaga ng P12,000 na piyansa ang korte para sa temporaryong kalayaan ng akusado.
Dinala sa Balete MPS ang hindi na pinangalanang akusado at nakatakda itong iharap sa kaukulang korte.
0 Comments