Patay ang
32-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng suspek dahil sa hindi
pagkakasundo sa pustahan sa basketball.
Nangyari ang
insidente sa Barangay Talang, San Carlos City, Pangasinan.
Sa ulat,
naglalaro ng basketball na may pustahan ang biktima at suspek.
Natalo sa
laro ang suspek at noong siningil na sa bayad ay tumanggi ito.
Dito na
nagsimula ang mainit na tensyon sa biktima at kalaro nitong anak ng suspek
hanggang sa sumali na ang ama at dito sinaksak ang biktima.
Tinamaan sa tyan
ang biktima dahilan na isinugod ito sa ospital ngunit pumanaw na din ito.
Tinutugis naman
ng mga kapulisan ang suspek na agad tumakas matapos mangyari ang krimen.
Nanawagan
naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.
0 Comments