Gumawa ng solusyon para sa mabilis na paglinis ng oil
spill ang mga estudyante sa Grade 11 ng Regional Science High School III sa
Olongapo City.
Ayon kay Kyan Dimakiling, isa sa mga developer,
napagdesisyunan nilang lumikha ng RapunZpill na mas mabisa at ecologically
friendly na solusyon sa paglinis ng oil spills.
Bagama't kilala na ang paggamit ng buhok ng tao at aso sa
pag-absorb ng langis, nais ng mga estudyante na gawing automated ang proseso.
Tatlong mga disensyo ang ginawa ng mga estudyante bago pa
makarating sa final na produkto.
Sa pamamagitan ng RapunZpill na may distance sensor,
makakaya nitong makakolekta ng hanggang 92.54% ng langis sa mock tests.
0 Comments