PAGGAMIT NG RED DYE NO 3, IPINAGBAWAL NG US

 


Inanunsyo ni outgoing US President Joe Biden ang pag-ban sa Red Dye No 3, ang kontrobersyal na food and drug coloring na matagal nang kilala sa pagiging dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa mga hayop.

Ang Red 3 ay kasalukuyang ginagamit sa halos 3,000 food products sa Estados Unidos, ayon sa isang nonprofit Environmental Working Group.

Kung matatandaan noong 1990, pinasyahan ng FDA ang pagbabawal sa paggamit ng Red 3 sa mga cosmetics dahil sa kaugnayan nito sa thyroid cancer sa mga lalaking daga.

Ngunit, patuloy pa din itong ginagamit sa mga pagkain sanhi ng pagtutol ng mga malalaking industriya tulad na lamang ng mga pabrikang gumagawa ng cherries na umaasa lamang sa Red 3 upang mapanatili ang iconic red hue ng kanilang mga produkto.

Ginagamit din ang Red 3 sa libo-libong mga candy, snacks at food products maging sa mga medisina, batay sa DailyMed.

Dahil dito, panawagan ng nonprofit Environmental Working Group sa bagong administrasyong President-elect Donald Trump na gawan ng hakbang na maprotektahan ang mga consumer pati na ang paghihigpit sa mga heavy metals tulad ng lead, arsenic at cadmium sa mga pagkain na kinakain ng mga bata.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog