P10 PESO COIN NA GINAWANG SINGSING, INALMAHAN NG MGA NETIZENS

 


Agaw-pansin sa social media ang isang singsing na gawa sa isang Philippine peso coin.

Sa post ng isang Instagram user, inilarawan nito ang kaniyang karanasan sa gitna ng bakasyon nito sa Siquijor kung saan ginawan siya ng isang singsing mula sa isang P10 peso coin.

“This is definitely one of those times where I took a big gamble,” saad nito sa video.

Kuwento ng babae sa video na habang ito’y nakahiga sa Paliton Beach sa Siquijor, may lumapit sa kaniya at tinanong kung gusto nito ng art.

Inalok siya na gawan ng singsing mula sa 10-peso coin kapalit ng bayad na P1,500 sa proseso.

Bagama’t naging maganda ang resulta nito, ang paggamit sa barya ng bansa ay isang paglabag sa Presidential Decree No. 247 na nagbabawal sa pagsira, pagpunit, o pagsunog sa perang papel o barya ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Marami namang netizen ang namangha ngunit mayroon namang nagbigay ng abiso na paglabag ito sa umiiral na batas ng Pilipinas.

“Amazing! Did you know that by posting this video they could spend their Christmas Eve in jail? The BSP could sue them for that is illegal. I’m worried you might be considered a co-accused since you provided the coin. They’re making a living and this not need to be posted,” komento ng netizen.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog