FBI, NAGBABALA SA POSIBLENG BOMB THREATS MULA SA RUSSIA SA US VOTING SITES



Nagbabala ang FBI sa posibilidad na bomb threat sa mga polling station sa iba’t ibang states ng US sa kasagsagan ng Election Day.

Sa isang lugar ng battleground state ng Georgia, naiulat ng pulisya ang 32 bomb threats na ginawa upang magulo ang botohan. May ilang operasyon ng botohan ang sinuspindi upang masuri ng mga awtoridad ang mga bomba.

Ayon kay spokeswoman Savannah Syms, alam ng FBI ang posibilidad ng bomb threats sa mga polling locations sa ilang states at lumalabas na karamihan sa mga ito ay nagmula sa domain ng email sa Russia.

Aniya pa, bagama’t wala pang mga bomb threats ang kapani-paniwala, pinaalalahanan nito ang publiko na maging alerto at manatiling mapagmatyag.

Napag-alaman na 32 polling stations sa Georgia's Fulton County ang isa sa mga lugar na nakakatanggap ng banta.

Samantala, sinabi ni South Fulton's Mayor Kobi na may ilang pinipigilan ang mga tao ng South Fulton sa pagboto ngunit idiniin nitong sila ang Blackest city ng United States.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog