107-ANYOS NA LOLA SA CHINA, TINUBUAN NG SUNGAY?



Maituturing ni Lola Chen na isang blessing ang pagtubo ng sungay sa kaniyang noo dahil sa paniniwalang ito ang nagbigay sa kaniya ng mahabang buhay.

Si Lola Chen ay 107-anyos at naninirahan sa Guangdong, China.

Sinasabing tumubo ang naturang sungay sa noo ni Lola Chen sa loob ng ilang taon at magpahanggang ngayong ay maayos pa din ang kalusugan nito.

Ayon sa mga doktor, ang paglaki ng naturang sungay sa balat ay kadalasang nauugnay sa matagal na pagkakabilad sa araw.

Bagama’t wala itong masamang epekto, abiso ng mga eksperto na i-monitor ang paglaki nito sanhi ng posibleng slight risk ng malignancy.

Napag-alaman na hindi lang si Lola Chen ang tinubuan ng sungay kundi isang 74-anyos na lalaking Indian ang tinubuan din nito at pinatanggal sa mga surgeon.

Matapos ang surgey, ang mga pasyenteng may “devil’s horn” ay maaaring magamot sa pamamagitan ng radiation o chemotherapy at susunugin nito ang balat upang takpan ang sugat na pinagmulan ng sungay.

Samantala, wala namang plano si Lola Chen na patanggalin ang tumubong sungay sa kaniyang noo na sinang-ayunan naman ng mga Chinese social media users. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog