Nasa apat katao ang naitalang patay sa isang pamamaril sa Georgia High School.
Maliban sa apat na namatay, sugatan din ang dose-dodenang
mga indibidwal sa naturang insidente na kanilang nakuha habang tumatakas sa insidente.
Sa pahayag ni Barrow County Sheriff’s Office na nasa kustodiya
na nila ang isa sa mga suspek. Nakontrol na din nila ang insidente at ang mga
estudyante ay pinalabas na pagsapit ng tanghali.
Napag-alaman na naka-record na ng daan-daang insidente ng
pamamaril ang US sa loob ng mga paaralan at kolehiyo sa nakalipas na dalawang
dekada.
Kung saan, nakapagtala ito ng mahigit 30 patay tulad ng
nangyari sa Virginia Tech noong 2007.
0 Comments