Isang distrito sa Busan, South Korea ang nag-aalok ng limpak-limpak na pera para sa mga single Korean at dayuhang indibidwal na nais pumasok sa isang romantic relationship at agad na mag-asawa at magkaanak sa kabila ng hinaharap na population crisis ng naturang bansa.
Ayon sa Korean media, nagsasagawa ng mass blind dating
event si Saha para sa mga single na Korean at dayuhang indibidwal na babae at
lalaki sa buwan ng Oktubre. Naaangkop ito sa mga taong nasa pagitan ng 23 at 43
ang edad na naninirahan o nagtatrabaho sa lugar.
Sinumang babae at lalaki ang agad na nagkatuluyan
pagkatapos ng event ay bibigyan ng 1-milyon won (P42,000).
Kung magdaraos sila ng “sang-gyeon-rye,” o pulong ng mga
miyembro ng pamilya (karaniwang inaayos bago ang kasal), bibigyan sila ng 2-milyon
won (P84,000). Kung ikakasal sila, 20 million won (P842,000) ang naghihintay sa
mag-asawa.
Magbibigay ng karagdagang suporta si Saha para sa
kanilang titirhan ng hanggang limang taon, ayon sa Korean Times.
Napag-alaman na aabot sa 30-milyon won (P1.2-milyon) ang
halaga na para sa housing o 800,000 won (P33,000) na monthly rent para sa
limang taon.
0 Comments